Search This Blog

Total Pageviews

THIS BLOG IS RATED PG

BAWAL ANG BATA DITO PWEDE ISIP BATA
CLICK ON PICTURE FOR BETTER VIEW

Monday, July 18, 2011

PINOY PILIPIT DILA

Kabayan, ilang taon ka na ba sa ibang bansa? kaya mo pa ba magsalita ng Tagalog?
Subukan mo nga ito

1. Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica

2. Pugong bukid, pugong gubat

3. Kabilugan ng Buwan, Buwan ng Kabilugan

4. Butiki, bituka, butika

5. Buwan ng kabilugan, kabilugan ng buwan.

6. Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman.

7. Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw.

8. pitumput-pitong puting pating

9. Notebook at aklat, notebook at aklat, notebook at aklat, …

10. Bababa ka Ba? Bababa din ako!

11. Kapapansiteria mo pa lang, magpapansiteria ka na naman.

12. Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong.

13. Ang relo ni Leroy ay rolex.

14. Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.

15. Minimikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.

16. Ang lero ni Leroy ay nagka luray-luray.

17. Pasko, Pasiw, Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, …

18. Ako ay biik, ikaw ay baboy!

19. Aklat Pangkatagalugan

20. Makati sa Makati, may pari sa Aparri, mahihilo sa Iloilo at may bagio sa Baguio.

21. Betong Tutong alyas “”ketong”" ang hari ng mga bulutong.

22. pitongput pitong butong puting patani

23. Ang bra ni Barbara ay nabara

24. Buwaya, Bayawak, …

25. Sumuso ang sanggol na si Susie sa suso ni Susan na sumuso sa suso.

26. Pitong puting tupa

27. Usong usong isang isang salu-salong nagsisi-usyosohan ang mga aso sa asosasyon sa Ascuzena.

28. Kalabit ng kalabit si Alabit na may bitbit sa balikat ng kanyang kalapit-kabalikat kapitbahay.

29. Kakakanan lang sa kangkungan sa may kakahuyan si Ken Ken habang kumakain ng kakaibang kakanin kahapon.

30. Aba, bababa kaba Baba?


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...