LALABAN NA SIYA!
lumaki laging gulpi kay itay,
pilit ginagawang magiting na binata,
ngunit nais ko ay maging magandang diwata
gulpi dito, gulpi doon....
pati kila kuya gulpi ang inabot ko
sinali ako sa Mr Pogi, ginawa ko ay
nag uwi ng pogi
gulpi dito, gulpi doon...
natuto ako umibig, buong akala ko
ako din ay iniibig. Puro pala pakabig
pera ko ang sinamba, hindi ang beauty
kong parang kay Delilah. Sinita ko siya.
ang sinagot niya sa akin...
gulpi dito, gulpi doon...
Ayoko na! Tama na! lalaban na ako
masakit din pala sa katawan ang gawing
punching bag. Magbabago na ako.
Hindi ang magpapaka-lalake na. Bagkus magiging
isang baklang maton na!
DARNA!!!!
No comments:
Post a Comment