Search This Blog

Total Pageviews

THIS BLOG IS RATED PG

BAWAL ANG BATA DITO PWEDE ISIP BATA
CLICK ON PICTURE FOR BETTER VIEW

Wednesday, June 13, 2012

DEAR LOVE GURU..

Dear Love Guru Ronnie,
Tuwing gabi pag natutulog kami ng asawa ko lagi niya tinatakpan ang ilong ko. Di ko malaman kung ayaw na niya ko makahinga o ayaw lang niya ako mapasukan ng lamok sa ilong. Minsan pag uwi ko may nakita ako ibang tsinelas sa ilalim ng kama namin. Size 6 ang size, pero size 5 lang ako..nagkamali lang ba siya ng bili Love Guru? Tapos nung birthday ko niregaluhan niya ako ng Memorial plan at sabi...gamitin mo agad sayang din! para di tayo talo sa hulog buwan buwan. Sweet niya ano? mapag alala. Tanong ko lang Love Guru Ronnie, mahal ba talaga ako ng asawa ko?

Nagmamahal,
Rosalie.

Dear Rosalie,
Baka nga iniiwasan ka niya lamukin..kaya tinatakpan niya ang ilong mo. Mas makabubuti unahan mo na.. sa gabi pa lang bago kayo matulog maglagay ka na sa ilong mo ng bulak na binabad sa Baygon. Sa tsinelas naman, tignan mo kung bago...kung luma di sa iyo yun..gaga! sa Memorial plan naman di mo malalaman ang kasagutan hanggat di ka namamatay. Try mo kaya.
Sa tanong mo kung mahal ka niya? malamang oo. Kasi pinapauna ka niya sa langit. Sabi nila maganda daw dun. Happy trip nalang

Lubos na walang galang,
Love Guru Ronnie.

.

 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...